Public Nursery Schools (Hoikuen)
Ang HOIKUEN ay para sa mga magulang na nagtatrabaho, may sakit at iba pa, na hindi maalagaan ang anak kaya ito ay pinapasok sa HOIKUEN.
Oras ng pagpasok sa HOIKUEN
Lunes - Biyernes
- Umpisa ng 8:30 ng umaga - 4:00 ng hapon, mayroon din 7:30ng umaga - 6:30 o 6:45 ng hapon.
Tuwing Sabado
- 8:30 ng umaga - depende sa oras ng inyong pagsundo sa inyong anak, mayroon din 7:30 ng umaga - 1:00ng hapon o kaya 2:00 ng hapon.
Pang mahabang oras ng HOIKUEN
Para sa mga magulang na abala sa trabaho na hindi makakapagsundo ng 4:00 ng hapon, may karagdagan bayad sa karagdagan oras ng pagpapaalaga ng bata.
Bayad sa HOIKUEN
Ang bayad sa HOIKUEN ay ibabase sa inyong income tax ng nakaraang taon, para sa pagpapatala kailangan dalhin ang inyong nakaraang taon na with holding tax slip at katibayan na nagbabayad ng tax. Dalhin ang income taxation certificate (Gensen-choshu-hyo) at resident taxation certificate (Shotoku-kazei-shomeisho) sa araw ng pagpapatala.
Ang pagpasok sa HOIKUEN
Taon-taon mula sa kalagitnaan ng Oktubre, ang nursery school ay nag-uumpisa ng pagsasanay para sa pasukan sa pagtanggap ng registration. Ang pagpasok sa HOIKUEN kailangan ang bata ay lagpas ng 6 na buwan dahil mahirap ang pag-aalaga ng maliit na bata, nag-uumpisa April 1 ang pagpasok sa HOIKUEN. Hindi na kami tumatanggap pag puna na.
Ang mga Dokumento
- Application sa pagpasok sa HOIKUEN. Isang application sa bawat isang batang papasok.
- Transferring account para sa bata. Ang bagong papasok na bata ay kailangan ang transferring account, hindi na kailangan ang kapatid na nakapasok sa HOIKUEN.
- Application sa pagpasok sa HOIKUEN. Pagpumunta sa HOIKUEN kailangan dalhin ninyo ang mga application.
- Ang karagdagan oras sa HOIKUEN.
- Ang pagbabayad sa HOIKUEN. Ang pagbabayad sa HOIKUEN ay depende sa tax ng magulang, Kailangan dalhin ang (Gensen-choshu-hyo at Shotoku-kazei-shomeisho). Kailangan bayaran ang HOIKUEN sa banko ng transferring accout.
- Seal.
- Bankbook accout.
- Heath Insurance (Kenko-hoken) Kailangan na nakalagay ang pangalan ng bata.
- Handicapped book ng bata, para sa mga nagdadalantao dalhin ang Makaina at sanggol na manwal ng kalusugan (Boshi-Techo).
Paalala
Pag interview sa bata. Unang pagpasok at kasama ang bata, pag.interview sa bata at lahat ng tungkol sa bata ay kailangan sabihin sa namamahala sa HOIKUEN.
Kontakin:
Children & Family Welfare Support Division (Kodomo-Katei-Shien-Ka, Hoikusho-Gakari)
Tel: 0266-72-2101 (lokal 312, 313)