Pabahay
Pribadong bahay / Apartment
- Paghahanap ng mauupahang bahay o apartment ay sa pamamagitan ng ahente o real state agent.
- Kinakailangang magbayad ng deposito kung kayo ay uupa ng bahay o apartment.
- Sa pagpirma ng kontrata mas madaling nakahanap ng bahay kung hapon o haponesa ang guarantor, dalhin ang inyong alien card, income certificate at seal registration certificate. Ang paunang bayad (unang 3 hanggang 6 na buwan) ay hindi na puwedeng ibalik pag kayo ay tumira na sa bahay o apartment.
Pampublikong pabahay (Kenei-jutaku/ Shiei-jutaku)
- Ang mga dayuhan (kasama ang pamilya nito) na may permanent status o special permanent status na nakatira sa Japan ng isang taon o higit pa ay puwedeng tumira sa pampublikong pabahay. Kailangan nakatira o nagtatrabaho sa Nagano prefecture. Ang taunang sahod (annual household income) ay mababa sa pangkaraniwang sahod ng nagtatrabaho.
- Pampublikong pabahay (Shiei-jutaku) at Pampublikong pabahay (Kenei-jutaku) ay halos magkapareho ng paliwanag ngunit ang pagkakaiba lamang ay ang nagtatrabaho o nakatira sa Chino.
- Mapipili kayo sa pamamagitan ng palabunutan.
Kontakin:
Pampublikong pabahay (Kenei-jutaku)
Nagano Chiho-jimusho Kenchiku-ka
Tel: 0266-57-2924
Magtanong sa Pampublikong pabahay (Shiei-jutaku)
Chino shi Toshikeikaku-ka
Tel: 0266-72-2101 (lokal 532 - 534)
Employment Promotion Housing (Koyo Sokushin Jutaku)
Ang Employment promotion housing ay para sa mga taong nakakuha ng trahaho na ipinakilala ng Hello work, at ang mga taong nangangailangan ng pabahay. Para sa mga aplikante ng foreigners (mga taong nakatira sa isang bahay) ay puwede rin sa pabahay (Employees Health Insurance, buwanang suweldo, guarantor, atbp.) Sa mga ibang katanungan kontakin ang Hello work.