Buwis (Zeikin)

Consumption Tax (Shohi-zei)

Ito ang buwis na ipinapataw sa pagbili (purchases)at iba’t-ibang serbisyo.

Income Tax (Buwis sa Kita) (Shotoku-zei)

  1. Ang income tax ay ipinapataw sa suweldo ng tao na kumita mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng nakaraang taon.
  2. Ang dokumentong “Tax Withholding Statement” ay ibinibigay ng employer (nagpapasahod) at nagpapatunay sa halaga ng taunang kita at ibinawas na buwis para sa taon.Ito ay kakailanganin sa ibat ibang paggamit, kayat kinakailangang itagong mabuti.
  3. May pagkakataong maaaring maibalik ang iyong binayarang buwis, sa pamamagitan ng pagsusumite ng final return sa mga sumusunod na sitwasyon.
    • Kung ang kabuuang halaga ng annual income ay mas mababa sa minimum na taunang buwis ng kita na itinakda ng gobyerno.
    • Kung huminto sa pagtatrabaho sa kalagitnaan ng taon,at di nakakuha ng panibagong posisyon sa natitirang panahon.Samakatuwid, hindi na kakuha ng year-end adjustment.
    • Kung ang kabuuang halaga ng ginastos sa pagpapagamot o medical expenses ay sumobra sa halagang itinakda ng gobyerno.
    • Kung nakakuha ng loan para sa pagbili ng bahay.
    • Kung nawalan ng ari-arian dahilan sa sakuna, nanakawan, atbp.
  4. Kinakailangang magsumite ng final tax return, kung ang iyong kita o pinagmumulan ng kita ay higit pa sa iyong employment income, may dalawa o higit pang trabaho, o mayroong ibang pinagkakakitaan. Kinakailangang kalkulahin ang iyong income para sa nakaraang taon at magbayad sa taxation bureau sa pagitan ng Pebrero 16, at Marso 15.

Iba pang Buwis

Parusa sa mahuhuling pagbayad ng mga buwis

Ang Chino city ay gagawa ng mga hakbang sa paglutas sa mga hindi nabayarang buwis katulad ng pagkuha ng inyong mga ari-arian

Kung ang buwis ay hindi nabayaran dahil sa kulang sa pera o kabuhayan maaaring magtanong at kumunsulta sa kagawaran ng buwis.