Pensiyon (Nenkin)
Welfare Pension Insurance
- Anuman ang nasyonalidad,mga taong nasa 70 taong gulang pababa,nagtatrabaho sa mga kumpanya at pabrika kung saan ipinatutupad ang Welfare Pension Insurance Law, ay kailangang sumali sa seguro ng welfare pension.
- Ang mga benepisyo ng Welfare pension insurance ay hindi lamang para sa kapakanan ng pension sa pagtanda. Kapag ang nakaseguro ay nabaldado dahilan sa pinsala, iniaalok ang Disability Welfare pension ayon sa antas ng kapansanan.Kapag ang nakaseguro ay namatay,makakatanggap ng Survivor’s Welfare Pension ang mga naiwang kapamilya.
- Sa mga dayuhang nakapagbayad o nakapaghulog ng anim 6 na buwan at mahigit pa, ay matatanggap ang lump sum withdrawal payments sakaling huminto sa pagsali sa sistema. Kinakailangang mag- apply ang mga dayuhang aalis sa loob ng dalawang taon upang maibalik ang ibinayad (Withdrawal Reimbursement). Bago pa umalis ng Japan, kinakailangan ng official form na nanggaling sa opisina ng Social Insurance o sa iyong munisipyo sa paghiling ng reimbursement.Matapos makaalis sa Japan, kinakailangang ipadala ang form, kasama ang lahat ng kinakailangang impormasyon, pension pass,kopya ng iyong pasaporte,at kopya ng iyong bankbook sa Social Security Management Office sa address na;
Shakai Hoken Gyomu Center
3-5-24 Takaido-nishi, Suginami-ku Tokyo 168-0071 Japan - Ang pagbabayad ay ibinabase sa suweldo.Ang 50% ng bayad ay binabayaran ng employer at ang natitirang kalahati ay binabayaran ng empleyado, at kadalasang inaawas sa kanyang suweldo.
Para sa detalye, sumangguni sa iyong employer o sa opisina ng Social Insurance.
Pambansang Pension (National Pension Plan)
- Anuman ang nasyonalidad, ang mga naninirahan sa Japan na nasa pagitan ng 20 hanggang 60 taong gulang ay kinakailangang sumapi sa National Pension Plan.Subalit, kung ikaw ay sakop na ng Welfare Pension Insurance plan,itinuturing ka na ding kasapi sa National Pension Plan.
- Ang mga benepisyo ng National Pension Plan ay halos pareho sa Welfare Pension plan.
- Ang pamamaraan ng pagbabalik ng ibinayad (Withrawal Reimbursement) ay parehas sa Welfare Pension insurance.
- Ang halaga ay pareho sa lahat ng nakaseguro. Ang pagbayad o paghulog ay ipagbibigay-alam sa iyo galing sa Social Insurance Office. Maaaring bayaran sa pamamagitan ng bangko o post office ayon sa nakasaad na petsa.
Kontakin:
Okaya Social Insurance Office (shakai hoken jimusho)
Address: 1-8-7 Chuo-cho Okaya City
Tel: 0266-23-3661