Embahada

Embahada ng pilipinas

http://tokyo.philembassy.net/

Ang Embahada ay matatagpuan sa 5-15-5 Roppongi Minato-ku, Tokyo. 106-8537
Tel: 03-5562-1600, 1601, 1602
Time: 9:00 - 12:00, 13:30 - 17:00

Transportasyon

  1. Sundan ang direksyon ng Gaien Higashi Dori papuntang Tokyo Tower.
  2. Lumiko sa kanan sa intersection na may traffic light kung saan makikita ang Gaien Higashi Dori at Toriizaka street at makikita ninyo ang ROI building at ang subway sandwich outlet sa kanto.
  3. Pagliko ninyo sa kanan, maglakad lang ng papunta sa susunod na traffic light na may matatagpuan kayong pedestrian lane sa harap ng ng Minato ward Azabu shisho (branch office) na nasa inyong kaliwa.
  4. Para sa mga walang kailangan sa non-consular, lumiko sa kaliwa sa unang kanto pag nalampasan ang Azabu shisho. Maglakad hanggang sa dulo ng daan para matagpuan ang main gate ng embahada.
  5. Kung kayo ay may kailangan sa Consular section, (i.e visa, passport, report of birth, marriage, divorce, notary at iba pa) lumiko sa kaliwa, sa pangalawang kanto pagkatapos malagpasan ang Azabu branch office. Maglakad hangang marating ang consular section sa kaliwa.

Para sa mag sasakyan

Pag kayo ay naka sasakyan. Walang parking space ang embahada at mahigpit na ipinagbabawal ang pag parking sa daan ng Azabu police. Mag park sa mga may bayad na parking area.