Lindol (Jishin)
Hindi natin alam kung kailan lilindol, kaya kailangan tayong laging handa sa mangyayari at hindi inaasahan pangyayari.
Ang malakas na lindol ay tumatagal ng 1 - 2 minuto. Kaya dapat gawin:
- Magtago sa ilalim na matitibay na lamesa para maprotektahan kayo sa mga bumabagsak na bagay.
- Patayin lahat ng heater at lutuan, patayin ang tank gas.
- Kung may sunog, tumawag agad ng bumbero at humingi ng saklolo sa kapitbahay.Huwag magbakasakaling patayin ang sunog na nag-iisa.
- Huwag magmadaling lumabas, baka kayo ay masaktan sa mga bumabagsak ng bagay.
- Mas mabuting magpunta sa eskuwelahan o parke para sa inyong kaligtasan, huwag magpunta sa mga lubak-lubak na lupa, makikitid na lugar at tabing ilog.
- Siguraduhin nasa ligtas na kapaligiran, para handa sa susunod na pagdating ng lindol.
- Huwag sumakay sa sasakyan kung nais ninyong tumakas, huminto sa gilid ng daan. Huwag isara ang sasakyan at iwanan ang susi sa loob ng sasakyan.
- Ang lugar para sa hindi inaasahan pangyayari ay ang mga eskuwelahan o junior high school, laging maging handa sa mga ligtas na lugar.
- Makinig sa tamang impormasyon sa radio at telebisyon.
- Ang linya ng telepono ay masyadong magiging abala at kung hindi kinakailangan, huwag gumamit ng telepono.