Para sa mga banyaga o taga ibang bansa na mag-aaply para kumuha ng alien registration (Pamamahayag)

Para sa mga banyaga o taga ibang bansa na dumating at mananatili sa Japan ng 90 araw o higit pa...

Kailangan mag apply ng Alien Registration sa lungsod, siyudad o pook na kung saan kayo titira. Ngunit kung,aalis kayo sa Japan bago dumating ang 90 araw mula ng kayo ay dumating. Hindi na kayo dapat mag-apply ng Alien Registration.

Kung kayo ay lilipat ng tirahan...

Kailangan mag- apply ng registration sa paglipat ng lugar ng tirahan sa lungsod, siyudad o pook kung saan kayo lumipat sa loob ng 14 araw ng inyong paglipat.

Kung may pagbabago ang inyong pangalan, nasyonalidad, trabaho, status of residence, panahon ng pagtira o pagtigil o pangalan ng lugar na kung saan kayo magtatrabaho...

Kailangan mag-apply pagbabago ng registration sa lungsod, siyudad o pook na kung saan kayo nakatira sa loob ng 14 araw na kung saan naganap ang pagbabago. Kung mayroon pagbabago sa pagrerehistro maliban sa nakasulat sa itaas (pangalan ng tirahan,anong relasyon sa taong titirahan atbp.) Mag apply ng pagbabago ng registration sa susunod na mag apply ng Alien Registration.

Kung darating ang panahon na kailangan mag apply o sumulat ng application para sa susunod na pag-aaproba (pagbago ng papeles –renewal)...

Kung darating ang panahon sa susunod na pag-aaproba (pagbago ng papeles) sa lungsod, siyudad o pook kung saan kayo nakatira s loob ng ititirang panahon.

Kung nawala ang inyong Registration Certificate dahil nanakaw, nawaglit atbp...

Mag apply ng panibagong registration certificate sa lungsod,siyudad o pook na kung saan kayo nakatira s loob ng 14 araw na kung kailan nawala ang inyong registration certificate.

Kung aalis na sa Japan...

Siguraduhin ninyong ibalik ang registration certificate sa Immigration inspector sa airport, kung saan kayo aalis na airport. Ngunit kung, kayo ay aalis sa bansang Japan na mayroon kayong re-entry permit, hindi na ninyo dapat ibalik ang inyong registration certificate.